Matagal ko nang pangarap ang makapunta sa National Museum.
Napapaisip kasi ako kung ano bang meron doon.
Sa TV ko pa lang kasi siya nakikita.
At noong June 22, 2011 nagkatotoo na ang munting pangarap ko... :)
Unang destinasyon ng lakbay aral ang Ayala Museum...
Sa Ayala Museum ako'y namangha sa yamang itinatago ng ating bansa...
Sino ba naman ang hindi mamamangha sa dami ng gintong naroon?
At ang mga gintong ito ay mula pa noong unang panahon!
Bukod sa mga nakakasilaw na ginto ay nakakaaliw rin ang mga diorama.
Ang mga diorama na naroon sa Ayala Museum ay nagpapakita ng
makulay na kasaysayan ng Pilipinas.
Nakakatuwa ang mga miniatures na ito. Akala mo ay totoong totoo.
Sa mga pader kung saan naroon ang Diorama ay may mga kilalang pilipino
at nakalagay doon kung ano ang kanilang taas.
Mas mataas pa ako kay Ginoong Jose Rizal kung wala siyang suot na sapatos. :)
Noon ko lang nalaman na si Magsaysay pala ang pinakamatangkad na naging
pangulo ng Pilipinas.
Ang pinakamaliit? E di si Dating Presidente Gloria Arroyo. ^_^V
Nakakatuwa rin yung sliding door na may sensor.
Hindi naman sa first time makakita noon, pero...
nakakatuwa talaga siyang paglaruan. Hahahaha!
Matapos ang mahaba-habang lakaran, sa loob ng Ayala Museum...
Picture-picture muna! Konting souvenir!
Sunod naming tinungo ang National Museum.
(Sa wakas! Makakapasok na rin ako! :D)
May dalawang gusali ang National Museum.
At ang aming pinuntahan ay ang Museum for the Filipino People.
Kumpara sa Ayala, mas nakakatuwa ang mga bagay sa nasa National Museum.
Damang-dama mo ang pagka-Pilipino.
Bibilib kang talaga sa mga nagawa ng ating mga ninuno.
Yung Manunggul Jar at yung Bulul na dati ay sa libro ko lang nakikita,
nakita ko na rin sa wakas ng personal!
Napansin ko rin na ang daming kanyon na nahukay.
Ganoon ba tayo ka-war freak? ^^
Sino kaya ang gumamit nun? Pilipino ba o mga dayuhan?
Maganda rin ang mga silid na pinaglalagyan ng mga bagay sa museo.
May mga kwarto doon na iba ang texture ng
sahig depende sa kung saang panahon ka naroon.
Sunod naming pinuntahan ang WALLED CITY o ang INTRAMUROS.
Hindi ito ang unang beses na makapunta doon pero
yun ang unang beses na na-realize ko kung gaano na siya napapabayaan.
Maganda pa rin yung ibang mga lugar tulad ng Casa de Manila,
ang mga simbahan, Palacio del Gobernador,
ang Fort Santiago at ang ilan pang mga gusali.
Pero tila hindi napapangalagaan ng mga naninirahan sa loob ng Intramuros ang lugar.
Mayroong di kaaya-ayang amoy, mga basurang nakakalat, mga lasing na nagwawala.
Marahil yun ang aninong nagtatago sa likod ng makasaysayang pook na Intramuros.
Ngunit, anu't ano pa man ay dapat pahalagahan ng bawat Pilipino ang mga lugar
na may alaala ng ating kahapon.
Babalik uli ako sa mga lugar na ito. Wala man akong dalang sariling camera
upang kuhaan ng litrato ang mga bagay-bagay, natatak naman
sa aking puso't isip na iba ang Pilipino.
Madami akong natutunan at napagtanto sa lakbay-aral na ito.
Astig maging Pilipino.
Pero mas astig ka kung alam mo kung ano ang pinagmulan mo.
3 comments:
References:
National Museum of the Philippines - Wikipedia, the free encyclopedia
The Ayala Museum Website - Exhibitions - Gold of Ancestors
ganda ng naisulat mo, lalo na sana kung mas malaki ang mga titik. :-)
ideas and content 5
organization 5
mechanics 5
total 15/15
thank you steph for revising the font size, it is now more readable (which can lead to better viewership. thanks.
References:
National Museum of the Philippines - Wikipedia, the free encyclopedia
The Ayala Museum Website - Exhibitions - Gold of Ancestors
ganda ng naisulat mo, lalo na sana kung mas malaki ang mga titik. :-)
ideas and content 5
organization 5
mechanics 5
total 15/15
thank you steph for revising the font size, it is now more readable (which can lead to better viewership. thanks.
Post a Comment